Maugong ang mga kumakalat na tsikang muling magbabalik ang "Pilipinas Got Talent" Season 7 sa Kapamilya Network, na originally ay hosted nina Luis Manzano at Billy Crawford, gayundin ni Toni Gonzaga.

Sa season 6, ang nagsilbing hurado ay sina Vice Ganda, dating ABS-CBN president Freddie Garcia o FMG, Angel Locsin, at ngayon ay si Senador Robin Padilla.

Ayon sa mga kumakalat na tsika, ang magiging line-up daw ng mga hurado sa season 7 ay sina It's Showtime hosts Vice Ganda at Anne Curtis, at si King of Hearts Daniel Padilla.

Ang Dabarkads naman o isa sa hosts ngayon ng "Eat Bulaga" na si Maja Salvador ay maugong na makakasama rin sa line-up.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang rumors na ito ay kumakalat sa iba't ibang fan based-Facebook page at kung totoo man daw ito, excited na ang Kapamilya fans na muling mapanood ang PGT, at siyempre, kakaiba rin ang pagsasama-sama ng bagong line-up ng hurado.

Wala pang kumpirmasyon sa pamunuan ng ABS-CBN tungkol dito. Hindi pa rin nagbibigay ng reaksiyon ang mga nabanggit na artists kaugnay nito.