KInakiligan ng mga netizen at followers ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda ang pag-flex niya sa kaniyang partner na si Ion Perez, na napaka-sweet daw sa kaniya matapos nitong ihanda ang toothpaste at sepilyo niya.

Ibinahagi ni Meme ang screengrab ng chat nila nila sa Messenger kung saan inihanda na nga ni "Benigno Dungo Perez" ang mga gagamitin ng jowa para sa pagsesepilyo.

"Flex ko lang yung asawa kong ubod ng sweet! Awwwww!!!! Sorry Rapunzel ang iksi ng buhok mo!" anang komedyante-TV host.

Mababasa naman sa kumbersasyon ng mag-partner ang ganito:

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I prepare your toothbrush babeko," anang Ion.

Tugon naman ni Vice, "Awwwwww! Ang sweet mo babe! Thank you! I love you asawa ko!"

Nilanggam naman ang mga netizen at hindi naiwasang mapa-react sa comment section.

Maging ang sikat na online personality na si "Senyora" ay nagkomento na rin dito.

"Matutulog na lang nagpost pa ganyan," anang Senyora.

"Pakiligpit na lang yung higaan namin mamayang umaga ha! And pakainin mo na din yung mga aso," birong banat ni Vice Ganda.