Kumakalat ngayon sa social media ang larawan kung saan makikita ang presyo ng menu sa bagong bukas na resto ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador.

Napag-usapan ng netizens ang "nakakalokang'' presyo ng single serving steamed pandan rice ng resto na ₱100.00.

Larawan: Philippines Best/FB

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Narito ang mga komento ng netizens: 

"Daig pa si Shakey's sa plain rice."

"Anak ng bubuyog na Jr. presyo ng kanin? 100 pesos? seryoso ka? tapos magtataka ka kung bakit walang tao? Eh, pang 2 kilo ng bigas presyo niyan eh."

"Presyong America?"

"Ano yan gold rice?"

"Mag Jollibee na lang ako.''

Noong Biyernes, Marso 31, inanunsiyo ni Rendon na muling magbubukas ang kaniyang resto at lahat ng tagahanga ni Coco Martin ay libre na sa entrance at may unlimited drinks pa.

Aniya, "Sa lahat ng Coco fans ililibre ko na ang entrance ninyo at free unlimited drinks pa!"

Ito ay dahil "nilangaw" ang unang grand opening ng motivational speaker at ilang araw lamang ay pansamantalang isinara niya ito.

BASAHIN: ‘Simbilis ng weekend’: Bagong bukas na resto ni Rendon, isinara

Dagdag pa ni Rendon, siya ay ''nalugi'’ kasunod ng kaniyang P1.2 milyon na puhunan para sa event.