Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa gobyerno na itaas na ang sahod ng nurses upang hindi na umano sila mapilitang magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Zubiri, nais naman ng mga Pinoy nurse na manatili sa Pilipinas at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay, ngunit kailangan umano nila ng kita na tatapat sa hirap ng kanilang trabaho.

“If they don’t get this, then they have no other choice but to leave,’’ saad niya.

Binanggit din ni Zubiri na tinatayang ₱15,000 hanggang ₱20,000 kada lamang ang kinikita ng mga nurse sa maliliit na pribadong ospital.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“And they are likely overworked, looking after more than their fair share of patients as more and more of their colleagues leave for better pastures abroad,’’ aniya.

Dahil dito, hindi raw masisisi ang mga nurse sa pag-abroad lalo na't nasa ₱150,000 hanggang ₱200,000 kada buwan ang sahod doon.

Wala rin umanong panama ang Pilipinas sa mga benepisyong nakukuha ng mga nurse abroad.

“If we want nurses to stay in the country, we need to increase their salaries. That’s really the long and short of the diaspora problem that we’re having,’’ saad ni Zubiri.

Inulat kamakailan ng Department of Health (DOH), kasalukuyang humaharap sa kakulangan ang bansa ng 350,000 nurses.