Hindi umano maaaring madaliin ang pagbabalik ng pre-pandemic school calendar sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael sa mungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na ibalik na ang panahon ng bakasyon sa mga paaralan ng Abril at Mayo dahil sa labis na init ng panahon.

Hindi aniya maaaring basta-basta na lamang ibalik ang naturang ‘pre-pandemic school calendar’ o ang School Year na nagsisimula sa unang linggo ng Hunyo at may school break ng Abril at Mayo, at sa halip ay kailangang idaan ito sa ‘slow transition.’

Binigyang-diin ni Poa, pinakikinggan naman nila ang mga mungkahing maibalik ang April-May na school break dahil sa matinding init ng panahon. Gayunman, kailangan pa rin munang pag-aralan ito ng mabuti.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi ni Poa na maraming factors na dapat ikonsidera bago ito isagawa, kabilang na ang minimum na bilang ng mga pasok sa paaralan o school days.