Mahigit isang buwan mula ngayon, kokoronahan na ang magiging susunod na Miss Universe Philippines 2023.

Ito ang inanunsyo ng national organization sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Abril 1, kung saan kumpirmadong sa Mall of Asia Arena muli ang napiling venue ng prestihiyusong finale.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gaganapin ang coronation night sa darating na Mayo 13.

Para sa ticket prices, mabibili ang General Admission sa halagang P500; Upper Box sa halagang P1,490; Lower Box sa presyong P5,270; at VIP sa halagang P12,780.

Payo naman ng organisasyon sa pageant fans at supporters na antabayan ang kanilang exclusive offers sa pagbubukas ng ticket sales sa Abril 3.

Ang susunod na Miss Universe Philippines ay tatangkaing muling ibalik sa spotlight ang bansa sa international pageant scene.

Si Celeste Cortesi ang huling kinatawan ng bansa Miss Universe competition.