Gagawin ng isang mapagmahal na anak ang lahat para sa kaniyang pinakamamahal na magulang, lalo na sa matinding pangangailangan.

Viral ngayon sa social media ang Facebook post ng netizen na si "Janina Cuenca" matapos niyang manawagan at humingi ng tulong para sa nakatakdang operasyon sa puso ng kaniyang inang si "Milagros Asuncion," 62-anyos, isang "person with visual impairment" dulot ng kaniyang sakit na diabetes.

Ayon sa kaniyang "call for donations" Facebook post, naglakas-loob na si Janina na magbahagi ng kanilang kalagayan sa social media upang madugtungan pa ang buhay ng kanilang pinakamamahal na ilaw ng tahanan. Isinalaysay ni Janina ang pinagdaraanan ngayon sa usaping pangkalusugan ni Milagros, na kailangang malunasan na sa lalong madaling panahon.

"Our family needs help."

Human-Interest

75-anyos marathon runner na may suot na gula-gulanit na sapatos, kinaantigan

"It was February 15 nung naconfine si Mama dahil hirap s'yang huminga. Days after, nalaman namin na need i-drain ang tubig sa both lungs n'ya para maibsan yung hirap. Then we found out na hindi lang pala yun ang sakit n'ya."

"Aside sa diabetic at hypertensive s'ya, meron na rin s'yang kidney disease at heart failure. She was recommended for angiogram para ma check if she can handle angioplasty."

"March 15 nung bumalik kami sa ospital para i drain ulit yung tubig sa baga nya. Second confinement. Tinapat na kami ng doktor na kailangan mapabilis ang proseso ng pagpapagamot sa puso dahil hindi pala talaga tubig sa baga ang problema, kundi yung puso na."

"March 26 nung na admit naman si Mama sa Heart Center para sa schedule ng angiogram. After two days, nalaman namin na meron na s'yang tatlong bara sa mga ugat nya sa puso, including 'yung main artery. Doctors were requesting to have her scheduled for open heart surgery as soon as possible," ani Janina.

Sa ngayon, kailangan nila ng kulang-kulang ₱1M para matustusan ang bayad sa operasyon, hospital bills at mga gamot.

"The operation costs us a fortune, sa first two confinements ay medyo tagilid na savings namin. Retired na parehas sina Mama and Papa, and hindi namin kaya na magbayad ng almost Php 700,000.00 (estimated amount) para matuloy yung operation. This excludes our hospital expenses and PFs mula po nung ma confine s'ya."

"I am asking your kind hearts to help us overcome this. Your support will go a long way."

Ayon sa panayam ng Balita kay Janina, matagal nang visually challenged ang kanilang ina dahil sa diabetes nito, at ilang beses na ring naospital subalit sa awa ng Diyos ay patuloy pa rin itong lumalaban.

Sa mga nais magpahatid ng anumang tulong para sa pamilya ni Janina, nakalagay ang mga detalye sa kaniyang Facebook account.

Hangad namin ang tuluyan mong paggaling, Milagros!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!