Nasabat ng mga operatiba ng Navotas City Police Station (NCPS) ang P354,348 halaga ng umano'y shabu sa buy-bust operation sa Barangay San Jose, Navotas City noong Biyernes, Marso 31.

Kinilala ni Col. Lt. Allan Umipig, station commander ng NCPS, ang suspek na si Que Jason Robert, 40, residente ng Banawe, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, isang buy-bust operation ang isinagawa ng NCPS sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek alas-10:49 ng gabi, Biyernes.

Nakuha mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 52.11 gramo ng umano'y shabu, isang cellular phone, isang itim na sling bag, at ang buy-bust money.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.

Diann Ivy Calucin