Nanawagan si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. France Castro sa Department of Education (DepEd) na ibalik na sa dati ang school calendar kung saan bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo dahil sa init na panahon ngayong summer at sa kakulangan ng air-conditioning units sa mga silid-aralan para sa mga estudyante.

Sa pahayag ni Castro nitong Biyernes, Marso 31, hindi umano ligtas para sa mga estudyante at guro ang magklase sa silid-aralan dahil sa sobrang taas ng heat index dala ng climate change.

"Reverting the summer vacation of students to April-May at the soonest time possible would be best since students and teachers are now suffering the intolerable heat in jampacked classrooms," saad ni Castro.

Binanggit din niya ang mahigit 100 estudyante sa Laguna na nahimatay habang nagsasagawa ng fire drill dahil sa init.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

BASAHIN: Mahigit 100 estudyante sa Cabuyao, naospital habang isinasagawa ang fire drill

Samantala, sa isinagawang online survey ng ACT sa 11,706 public school teachers sa buong bansa mula Marso 24 hanggang 27, lumabas umanong 87% ng mga estusyante ay hindi makapag-focus sa kanilang mga lesson dahil sa matinding init sa silid-aralan.

Tinatayang 1% lamang umano ng mga classroon ang mayroon air conditioners habang 2%

ang umasa lamang sa natural ventilation.