Hindi makapaniwala ang mga netizen sa dating child stars na mga dalagita't binatilyo na, matapos maispatan sa matagumpay na "Star Magical Prom" noong Huwebes, Marso 30, 2023 na ginanap sa The Bellevue Manila.

Well, hindi na nakagugulat sina Andrea Brillantes at Belle Mariano dahil aktibo naman sila sa showbiz. Ang hindi inaasahan ng mga netizen ay ang dating child stars na saglit lamang na nanahimik dahil sa pag-aaral o dahil sa pandemya, subalit ngayon ay ganap na ganap na ang kanilang pag-bloom.

Si Mutya Orquia na gumanap bilang sirenang si Mutya, bunsong anak sa "Be Careful with My Heart," ay muling nasilayan ng publiko sa katatapos na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series."

Gandang-ganda rin ang mga netizen kay Krystal Mejes na gumanap na anak ni Julia Montes sa afternoon series noon na "Doble Kara."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagulat naman ang lahat na ang gumanap na "Honesto" na si Raikko Mateo ay isa nang poging-poging binatilyo.

Pinuri naman ng lahat ang classy, articulate, at hawigan ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na si Jana Agoncillo, na gumanap bilang si "Ningning." Sey pa ng mga netizen, sana raw gawin siyang A-lister ng Kapamilya Network dahil nasa aura niya ito.

At siyempre, sino nga naman ba ang makakalimot kay "Madam Ana Manalastas" na si Xyriel Manabat, na aktibo na ulit sa showbiz matapos mapabilang sa patok na teleseryeng "Dirty Linen."