Kapansin-pansin ang bonggang suot ng aktres na si Belle Mariano sa Star Magical Prom 2023 na ginanap noong Huwebes, Marso 30, sa grand ballroom ng Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang Kapamilya aktres, ay itinanghal na Prom Queen, dahil sa kaniyang custom-made white at black Francis Libiran dress na gawa sa Ostrich feathers na nagkakahalaga ng ₱900,000.

Ang isang pares naman ng hikaw na suot ng aktres ay gawa sa 11-carat London Blue Topaz stones, 12 carats ng white diamonds, at 18kt white gold na ang kabuuang halaga ay nasa ₱11,859,900.

Ang kumikinang naman na kwintas na suot ni Belle ay mayroong 17-carat London Blue Topaz at 18kt gold, na ang presyo ay nasa ₱78,958,000. Ang hikaw at kwintas na suot ng aktres ay mula sa sikat na diamond jewelry brand na LVNA ni Drake Dustin Ibay.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang black heels naman na suot ng aktres ay mula sa Gianvoti Rossi na nagkakahalaga ng ₱42,043.36.

Ang kabuuang presyo ng suot ni Belle Mariano sa nasabing prom, ay tumataginting na ₱91.7M.

Hirit ng netizen, "pak na pak" din pala ang presyo.