Isinulong ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang Senate Bill 2048 o ang ‘The Film and Live Events Recovery Act’ na naglalayong gawing exempted ang Filipino-owned local productions sa pagbabayad ng amusement tax at bigyan ng dalawang taong tax holidays ang mga industriya ng pelikula at musika.

Ayon kay Padilla, hinahadlangan ng amusment tax ang paglago ng entertainment industry at pinapataas pa nito ang presyo ng amusement services.

"Hence, it is imperative to give our film and music industries the necessary boost to thrive and recover from the pandemic and new challenges that cost them major losses while ensuring that the gains redound to local productions, thereby benefiting our people and economy," ani Padilla.

Sa ilalim ng panukalang batas, exempted na sa amusement tax ang lahat ng locally produced creative materials kung saan ang copyright ay pagmamay-ari ng mga Pilipino at mula sa mga lokal na produksyon na may hindi bababa sa 10% equity na pag-aari ng mga Pinoy.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Binabaan din ng panukalang batas ang limitasyon para sa koleksyon ng amusement tax sa ilalim ng Local Government Code sa 5% mula sa kasalukuyang 10%.

Ine-exempt din sa pagbabayad ng amusement tax ang ocally produced film productions, musical plays, opera, konsiyerto, drama, recital, pagpipinta at art exhibitions, flower shows, musical programs, at literary at oratorical presentations.

Ang nasabing exemption ay sa ilalim umano ng kondisyon na ang copyright ng mga ito ay pag-aari ng mga Pinoy at hindi bababa sa 10% ng equity ng naturang local productions ay pagmamay-ari ng mga Pinoy na sertipikado ng Department of Trade and Industry (DTI) o ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Binigyang-diin din ng panukala na ang mga malilikom mula sa amusement tax ay nararapat na ilaan para sa mga programa, aktibidad at proyekto sa mga sektor at industriya na kinasasangkutan ng locally produced work. Ang natitirang mga kikitain ay

Ang natitirang mga kikitain ay dapat naman umanong paghatian ng lalawigan at munisipalidad kung saan matatagpuan ang amusement places.