Ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado ang kaniyang karanasan bilang ina ng kaniyang kauna-unahang anak na si Deia Amihan.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Iza na hindi naging madali ang kaniyang pagpapanganak kay Deia kaya naman hanggang ngayon ay nagpapalakas pa rin siya.

"I am on my ninth week post partum and we are a few weeks away from completing the fourth trimester. This is, by far, the most challenging yet fulfilling journey I have been on and I know it is only the beginning," anang aktres.

Sa loob ng dalawang buwan, natututo si Iza sa kung paanong maging ina nang may pananampalataya, habag, pasasalamat at pagmamahal, "sa gabay at suporta ng Diyos."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"I will be sharing some of the challenges, the precious, joyfilled moments and the grace in all of it when the time is right."

"Grabe, what a ride! I am becoming, I am evolving into — wait.. I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child, Deia. Biruin mo yun? A gift indeed. Thank You, Lord!"

Matatandaan na Disyembre 2018 nang ikasal ang aktres sa kaniyang asawa na si Ben Wintle.

Enero 26 ngayong taon naman nang isilang niya si Deia Amihan, na ipinangalan sa karakter ni Iza nang gumanap ito sa fantaserye na Encantadia.

BASAHIN: ‘Baby Amihan’ ng mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle, ipinasilip na sa publiko