Tunay ngang “hard to beat” ang naging effort sa promposal ng aktres na si Andrea Brillantes matapos makuha ang “Best at Most Creative Promposal” sa naging Star Magical Prom.

Matatandaang naging usap-usapan ang naging promposal nito dahil mismong ang mga miyembro ng K-pop superstars na BLACKPINK ang tumulong sa pagpatupad ng promposal sa kaniyang boyfriend na si Ricci Rivero para sa paparating na Star Magical Prom.

Nag-viral ang mga video nang binasa ni Rosé ang banner na naglalaman ng mga salitang, "I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?"

Nakangiting sumang-ayon si Ricci sabay halik sa noo ng aktres, na nagpadagundong sa Philippine Arena dahil sa kilig.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa ginanap na Star Magical Prom, sina Francine Diaz at Seth Fedelin ang nakakuha ng pinakamaraming awards sa kauna-unahang Star Magical Prom. Kabilang na dito ang Best Promposal 1st Runner up, Most Kilig Promposal, at Most Viewed Promposal.

Habang ang couple naman na si Andrea at Ricci ang nanalong Best Promposal, at nakuha rin nila ang Most Creative Promposal.

Samantalang sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang nakakuha ng Prom King at Prom Queen.

Narito ang listahan naging ng ABS CBN sa mga nanalo para sa kategoryang 'Promposal':

Most Viewed Promposal: Francine Diaz and Seth Fedelin

Most Creative Promposal: Andrea Brillantes and Ricci Rivero

Most Kilig Promposal: Seth Fedelin and Francine Diaz

Best Promposal 2nd runner-up: Jeremiah Lisbo and Kaori Oinuma

Best Promposal 1st runners-up: Seth Fedelin and Francine Diaz

Best Promposal Main Winner: Andrea Brillantes and Ricci Rivero