Itinalaga ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang sarili bilang legislative caretaker ng 3rd district ng Negros Oriental, na siyang kinakatawan ni Congressman Arnolfo "Arnie" Teves Jr.

Naging epektibo ito sa pamamagitan ng House of Representative Memorandum Order No. 19-017 na inisyu at pinirmahan mismo ni Romualdez.

“In the interest of the people of the 3rd district of Negros Oriental, the undersigned shall act as the legislative caretaker of the 3rd district of Negros Oriental for the period 23 March 2023 to 22 May 2023. This order takes effect immediately,” saad ng memorandum order.

Ang nasabing memorandum ay may petsa umanong Marso 23, 2023, isang araw matapos patawan ng 60-day suspension si Teves ng Committee on Ethics dahil sa “disorderly behavior” matapos umano nitong tumangging umuwi ng Pilipinas mula sa United States.

National

47% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti ang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves

Nadawit si Teves sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walo pang sibilyang nadamay sa harap ng bahay nito sa Pamplona habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isa si Teves sa mga tinitingnan nilang mastermind sa pagpaslang sa gobernador.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na hindi na rin siya nasurpresa sa ipinahayag ni Remulla hinggil kay Teves. Nanawagan naman itong itigil na ang “trial by publicity”.

BASAHIN: Abogado ni Teves sa tinitingnang ‘mastermind’ sa Degamo-slay case: ‘We are not surprised’

Samantala, binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na malakas ang ebidensyang hawak nila laban sa umano’y mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo.

BASAHIN: Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case