Usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Cristine Reyes matapos makitang muli silang magkasama ng kaniyang dating asawang si Ali Kathibi para sa anak na si Amarah Khatibi.

Marco Gumabao, payag sa ‘no label relationship’ nila ni Cristine Reyes

Kamakailan lang, ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram, ang larawan na may caption na “Amarah.” Kalakip dito ang mga larawan at videos ng achievements ni Amarah.

Sa huling larawan ay ibinahagi rin ng aktres ang isang collage kung saan makikitang masayang magkasama sina Cristine, Amarah, at Ali.

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

“Aww beautiful family photos”

“The last picture tho. An example of good co-parenting.”

"Happy sya kc complete family mommy daddy, yan dapat gawin ng mga magulang para sa kanilang anak kahit hindi na nila love ang isat isa magsasama sila support ang kanilang anak salute ako dito."

“Happy to see your family picture ”

“Last photo ,love love love.”

“Pretty Anarah!!!!! Like mommy.”

“Last photo, buti naman.”

“I like the last photo the most”

Matatandaang nauna nang naging usap-usapan ang aktres matapos umamin ang aktor na si Marco Gumabao na mayroon silang “something special,” ngunit ayaw pa niyang lagyan ito ng label.