Unexpected daw ang dulot na tawa at kilig ng tambalang "PreBe" o Manang Precious-Mang Abe na mga karakter na ginagampanan ng komedyanteng si "Rubi Rubi" at premyadong aktor na si Joel Torre.

Sa isang episode kasi ng pinag-uusapang seryeng "Dirty Linen," kinukuha ni Mang Abe ang loob ni Manang Precious upang mas makakuha ng mga ebidensya at impormasyon para sa kanilang paghihiganti laban sa pamilya Fierro.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Tila nakadagdag daw sa aabangan at light mode sa serye ang tambalang "PreBe" na kakabog daw sa tambalan sa serye nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo, gayundin nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Biro pa ng mga netizen, kabahan na raw ang "KathNiel" ang biglang sikat na tambalang "BarDa" o "FiLay" nina Barbie Forteza at David Licauco, na nabuo at mas pumatok sa award-winning fantasy-historical drama series na "Maria Clara at Ibarra."

Wish ng mga netizen, more exposure pa raw sana sa PreBe dahil nakakapagdala ito ng ngiti at kilig sa mga manonood.

Sa TikTok account naman ng komedyante, sinabi ni Rubi Rubi na mas kailangan pang tutukan ang serye lalo na ang kanilang "love story."