Sanay tayong kapag nakakikita ng black and white photo sa social media, iniisip kaagad nating namayapa na ang taong iyon o may nangyaring masama sa kaniya.

Subalit kakaibang kilig at kiliti ang hatid ng Facebook user na si Thea Jake M. Balane, 23-anyos, dahil sa mala-pick-up lines na caption niya sa kaniyang profile photo kasama ang kaniyang partner na si Randyl R. Miguel.

Makikita kasi sa litrato na ang kaniyang partner ay naka-black and white at bumuo sila ng korteng puso sa pamamagitan ng kanilang mga bisig. Bago pa sila paulananan ng "Condolences" o "Pakikiramay," nilinaw niya ang ibig sabihin nito.

"Buhay pa 'yan! Patay na Patay lang sakin," aniya.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Mukhang benta naman sa mga netizen ang post dahil umabot na ito sa 5.7k shares.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Thea Jake, ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Randyl. Mag-11 buwan na pala silang magkasintahan sa darating na Abril 14.

"We had known each other since I was grade 11 and he is grade 8 but we are not close at that time, I remember when I was running for SSG Vice President in our school. I always saw him around school campus and I have feelings for him that time but since I am not totally open for my gender identity, I was afraid to be judged by other people so I just kept my feelings for him."

"Then after 2 years I am second year of college, that time I worked in sari-sari store to support my school financial. I saw him again and he was buying something to the store that I worked so I was being in-love again, but that time malakas ang loob ko because I am already open to my gender identity."

"So I took a first move, iIsearch him in a social media and I found him. Then I chatted him first hanggang sa naging mag-boyfriend na kami❤️."

Ano ang sikreto ng kanilang relasyon?

"For me, it's just a 'trust and honest' to each other. Kasi palagi kong sinasabi sa kaniya na dapat palaging maging honest sa akin. At hindi n'ya kailangan magsinungaling sa akin. Kahit maliit na bagay man o malaki hindi s'ya dapat magsinungaling sa akin."

Nagbigay naman siya ng tips sa iba pang mga may partner na gaya niya.

"Para sa may mga relationship na katulad ng sa amin at siyempre pati na rin sa mga straight. TRUST AND HONESTY lang kasi kung honest ka sa partner mo there's a chance na mas lalo ka pang pagkatiwalaan ng partner mo at syempre bilang bf/gf dapat hindi mo sila dinidisappoint. Magtiwala lang palagi sa partner 'wag palaging maghinala💗."

Thea Jake M. Balane at Randyl R. Miguel (Larawan mula kay Thea Jake M. Balane)

Sabi nga, "Love, love, love!"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!