Cuteness overload ang hatid ng anak ng dating Hashtags member na si Bugoy Cariño na si Scarlet matapos itong humataw sa isang TikTok video.

"Eeeyyyyyy🔥," caption nito sa post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tila mas magaling pa raw sa kaniyang ama sumayaw ang cute na cute na si Scarlet na anak ni Bugoy sa kaniyang girlfriend at volleyball star na si EJ Laure.

Napabalitaan noon na sinabi nii Bugoy na malapit na umano nila noon ipa-abort ang kanilang anak pero nagbago ang kanilang isip at nagdesisyon na ituloy ang pagbubuntis ni EJ.

Matatandaang taong 2020 nang unang ibinahagi ni Bugoy ang litrato ng kaniyang anak, na ngayon ay proud na niyang pino-post sa kaniyang social media accounts.

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Yung mas magaling na sayo yung anak mo idol,"

"Angas ni baby scarlet ah"

"Ang galing sumayaw nang anak niyo po, mana po sa inyo."

"Galing naman cutie scarlette."

"Nakakasabay na siya sa papa niya, good job baby"

"Galing nman subra baby scarlet na yarn sarap pag masdan."

"Bata palang galing naaaaa!"

"Eeeyy pati talent carbon copy."

"Cutieeee!"

"Girl version mo hahaha gandaaaa"