Kinakikiligan ngayon ng mga sumusubaybay sa seryeng "Dirty Linen" ang tambalan ng dating Kapuso actress na si Jennica Garcia at Kapamilya actor na si Christian Bables, na mga kaibigan at sidekick ng karakter naman ni Janine Gutierrez.

Ibinida ni Jennica sa Instagram post ang kaniyang bikini photos habang nasa La Union, na talagang sikat na sikat dahil sa beaches.

"What's up, ELYU? 🌞" caption ni Jennica sa kaniyang Instagram post kung saan makikita ang kaniyang mga litrato habang nakasuot ng red swimsuit.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa comment section naman ay nag-react dito si Christian.

"Jennica 'lumaban' Garcia . Gagawin ko 'tong wallpaper, hindi ng phone or laptop ko, pero ng buong bahay ko. Hahaha love you tol!"

Marami naman ang kinilig na fans na nagshi-ship sa kanilang dalawa.

"Omg! Max and Lala… may forever sana sa inyo! In real and reel life- walang iwanan! ❤️❤️❤️ namin kayooooo!"

"But ako kinikilig?? Ayee sana kayo na lang."

"Max and Lala… ayyiiieee…"

"Kinikilig ako!!!"

Why not 'di ba? Pareho silang single ngayon!