Kamakailan lamang ay naglabas ng mga bagong litrato ang kontrobersyal na aktres na si Liza Soberano na kuha ng celebrity photographer na si BJ Pascual.

Vintage-themed ang mga litrato at kinunan sa isang studio, ayon mismo sa Instagram post ni BJ.

"We actually shot this inside a studio. Set designer @princessbarretto created this vintage motel room from scratch!" ani BJ sa kaniyang IG post kalakip ang video clip ng BTS o behind-the-scenes ng kanilang photoshoot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa mismong Instagram post naman ni Liza na may caption na "Deleted scene: She’s inlove with Sundays and @gucci" ay pinagpiyestahan si Liza nang iba't ibang reaksiyon, komedto, at saloobin.

"Akala ko si Camilla Cabello."

"Yan lang pala gusto mo, hindi mo pa sinabi sa 2, may Hollywood na po ang kapamilya."

"Talk sh1t all you want but sis will always be 🔥."

"Sorry . But di bagay sa kanya yong mga ganitong pictorial na sexy."

"Kapag nagmamahal kay Liza, isang sentence lang ang comment. Kapag hater, parang thesis paper sa haba. We love you Hope Liza Soberano!"

"Palitan na ang liza soberano ng hope soberano.. why still using liza?"

"Love how the clout is getting her Big & Luxury Brands!!! Talk shit all you want haters, keep her relevant!! You gooo Hope!! The fierce, the empowered and the outspoken side of you got me here, I am now a fan!"

Samantala, nag-react din dito ang iba pang celebrities gaya nina Tim Yap, Meg Imperial, Rhap Salazar, at siyempre, ang kaniyang jowang si Enrique Gil.