Usap-usapan ngayon ang sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John Estrada, na si Priscilla Meirelles.

Isa-isang na-screenshot ng mga netizen ang tila parinig ni Priscilla tungkol sa "cheaters" at "married men/women."

"Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!" unang Instagram story.

Sumunod naman, "What to call a female that entertains married man?"

'Nagbabagang tsaa!' Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan

At panghuli, "Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change."

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles via The Scoop

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles via The Scoop

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles via The Scoop

Bagama't hindi tumukoy ng mga pangalan, naniniwala ang mga netizen na mukhang may pinagdaraanan ngayon ang misis ni John.

Dahil dito, nakakaladkad tuloy ang pangalan ng mga babaeng may kaugnayan sa buhay ng asawa noon, gaya nina Janice De Belen at Vanessa Del Bianco. Makikita ito sa iba't ibang comment section ng ulat tungkol sa cryptic posts ni Priscilla.

Matatandaang napawalang-bisa ang kasal nina John at Janice sa pamamagitan ng annulment noong 2004. Pinakasalan ng aktor ang Brazilian beauty queen na si Priscilla noong 2011.

Ang naugnay noon kay John ay ang dating aktres-TV host-model na si Vanessa Del Bianco na nakasama niya sa noontime show noon na "Magandang Tanghali Bayan" o MTB.

Noong 2006 naman, inamin ni John na maayos silang naghiwalay ni Vanessa, ayon sa panayam sa kaniya ng PEP, sa naganap na PMPC Star Awards for Television sa UP Theater noong Oktubre 23, 2006. So, matagal nang wala sina John kina Janice at Vanessa nang pumasok si Priscilla sa eksena.

Pero tila kinukuyog ngayon ng mga tagahanga ni Janice si Priscilla. Ano raw ba ang feeling ngayon na tila "inaagawan?"

Suweto at paglilinaw naman ng mga netizen sa mga kapwa netizen na "kuda nang kuda" kahit wala naman alam sa isyu, hayun na nga, annulled na si John kay Janice at break na sila ni Vanessa nang maging sila at magpakasal kay Priscilla.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si John tungkol dito.