Tila aware si Raquel Pempengco, nanay ni Jake Zyrus o mas sumikat noon bilang "Charice," na marami ang naimbyerna sa kaniyang Facebook post tungkol sa saloobin niyang wala pang sinumang singer ang puwedeng tumapat sa kaniyang anak.

Ayon sa panayam ng PEP kay Raquel, bagama't marami ang umookray sa kaniya ngayon at sa anak na si Jake, natuwa rin siya dahil marami rin naman siyang nabasang magagandang komento tungkol sa anak. Marami rin namang nagsabing wala ngang makatatapat sa timbre ng boses ni Charice na minahal hindi lamang ng mga PIlipino kundi maging ng iba't ibang nasyonalidad sa daigdig.

Kaya lang, siyempre ay marami ang nanghihinayang sa ginawa ni Jake, na ngayon ay nagbago na rin ng timbre ng boses at genre matapos sumailalim sa sexual reassignment.

Kahit sa comment section ng ulat ng Balita tungkol dito, marami rin ang nagsabing wala ngang "binatbat" ang ibang singers ngayon kay Charice.

Morissette, wala raw binatbat sa 'legendary' anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco

Narito ang ilan:

"She is true! Iba kasi atake ni Charice… well ganun talaga ang buhay nilamon s'ya ng kanyang emotion. Kaya nawala lahat sa kaniya."

"Charice is a good singer. Sayang siya but I'm happy for her to choose her happiness."

"Yes totoo naman, may point naman si mader."

"Oo naman. Charice was such a good singer."

"Yes she is right."

"Sayang naman kasi talaga ang pagiging Phenomenal Diva ni Charice, She was ONE OF A KIND."