Inanunsyo ng Parañaque City government na magkakaroon ng power outage sa ilang bahagi ng lungsod sa Marso 30-31 mula 11:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.

Sinabi ng Parañaque Public Information Office (PIO) na ililipat ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga pasilidad nito na apektado ng Manila-Cavite Expressway (Cavitex) project sa kahabaan ng Kaingin Road sa Barangay Sto. Nino.

Ayon sa advisory ng Meralco, ang mga lugar na maaapektuhan ng pagkawala ng kuryente ay bahagi ng Kaingin Road mula Langlang vulcanizing shop malapit sa Multinational Village kabilang ang Santos at Valenzuela compounds.

Apektado rin ang E. Rodriguez Jr. Avenue, Sunshine Transportation Inc. at YGC Realty Corp.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Pinayuhan ng pamahalaang lungsod ang mga residente na gawin ang kinakailangang paghahanda bago ang nakatakdang pagkaputol ng serbisyo ng kuryente.

Jean Fernando