Usap-usapan ngayon ang reunion ng Starmaker at consultant ng GMA Sparkle Artist Center na si Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa kaniyang mga dating alaga at homegrown talents ng Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN.

Naispatang kasama niya sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Piolo Pascual, Diether Ocampo, Kyle Echarri, at ang mag-ex jowang sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Sina Bea, Heart, Maja, at John Lloyd ay nasa bakuran na rin ng GMA Network kasama sina Mr. M at Mariole Alberto. Sina Piolo, Kyle, at Diether na lamang ang nasa Kapamilya Network habang si Jericho naman ay nasa hiatus ngayon.

Ayon sa Instagram post ni Heart, nagkita-kita sila kahapon ng Martes, Marso 28 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Growing up together was fun… seeing where life has taken all of us is pretty cool," caption ni Heart sa IG post.

Marami naman ang natuwa sa muling pagkikita ng dating magkarelasyong sina Echo at Heart. May kani-kaniyang asawa na rin naman sila at mukhang naka-move on na.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng reunion ng mga A-listers na stars sa bansa kasama ang kanilang tatay-tatayan.