Usap-usapan ngayon sa Twitter ang "anak" ni Kapamilya actress Julia Montes sa teleseryeng "Doble Kara" sa ABS-CBN noong 2015, na si Krystal Mejes.

Namangha ang mga netizen na malaki na pala si Krystal at kay ganda-ganda. Sana raw, hindi siya pabayaan ng Star Magic at ABS-CBN. Isang nagngangalang @auntieselinamo ang nagbahagi nito sa Twitter.

Screengrab mula sa Twitter/@auntieselinamo

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nakakaloka kamukha ni Julia Montes."

"Ganda ng bata na 'yan, nakalimutan ko yung show tanda ko na bida ay si Mikmik."

"Magaling din ito sa aktingan. I hope di pabayaan ng ABS-CBN."

"Ang gandang bata at magaling din sa actingan. Sana mabigyan ng new project."

"Dalaga na…"

Gumanap si Krystal bilang "Rebecca o Becca" na anak ng isa sa mga kambal na karakter ni Julia sa naturang afternoon series.