Ibinahagi ng netizen na si "Lester Vega" ang kuhang video sa isang sawang pumasok sa loob ng kanilang banyo, sa kanilang bahay sa Roxas City, na lumusot umano sa butas ng kanilang inidoro o toilet bowl.

Ayon sa ulat, nagulat na lamang sila nang bumulaga ang malaking sawa sa loob ng palikuran ng kanilang bahay, na unang nakita ng ilaw ng tahanan matapos magtungo sa palikuran, bandang madaling-araw.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Agad daw nilang sinara ang pinto upang hindi ito makapasok pa sa sala at tuluyang makapaminsala sa iba.

Sa muling pagsilip nila, nakita nilang pumapasok na ito sa loob ng toilet bowl, na malamang ay nanggaling sa poso negro.

Maya-maya, nakita na nila itong nasa bintana ng banyo. Kaagad na silang humingi ng tulong sa Bureau of Fire Protection upang makuha ang sawa.

Nagbigay naman ng babala si Lester sa publiko na bago umupo sa trono o gagamit ng palikuran, i-check muna ang inidoro o ang loob ng palikuran.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!