Usap-usapan ngayon ang "real talk" ni Raquel Pempengco, ina ni Jake Zyrus na unang sumikat hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo bilang si "Charice Pempengco," matapos mapanood ang concert ng international singer-composer na si David Foster, kung saan tampok si Asia's Phoenix Morissette Amon.

Ayon sa Facebook post ni Mommy Raquel, "nothing compares" ang boses ng anak sa kahit na sinong singer sa Pilipinas na kakanta sa songs ni Foster.

"Talagang wala pa ring ipapalit sa alaska (isang brand ng gatas), " ani Mommy Raquel.

"Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF (David Foster)… sinabi ko naman sa inyo noon pa… nag-iisa lang ang boses na 'yan. Kahit kanino mo pa ipakanta 'yang song mo… Di mabibigyan ng hustisya."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Bagama't walang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga netizen na si Mori ang tinutukoy ng nanay ni Jake, dahil isa ito sa mga special guest ni David sa naging concert niya. Kinanta ni Asia's Phoenix ang "I Will Always Love You" na iconic song ni Whitney Houston, subalit hindi kagaya sa bersyon ni Charice noon, hindi nag-standing ovation ang Canadian singer-composer.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/25/panourin-kaloka-morissette-amon-naghalimaw-sa-concert-ni-david-foster/">https://balita.net.ph/2023/03/25/panourin-kaloka-morissette-amon-naghalimaw-sa-concert-ni-david-foster/

NO GOOSEBUMPs… NO STANDING OVATION… Nothing compares… Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco."

Screengrab mula sa FB ni Raquel Pempengco

Paglilinaw rin ni Raquel, hindi si David ang nagbigay ng malaking break kay Charice kundi ang TV host-influencer na Oprah Winfrey.

Matatandaang nabalitang inetsa-puwera daw ni David si Jake nang makiusap itong bigyan siya ng raket o isama sa concerts niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/">https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Morissette tungkol dito. Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi na mahanap ang Facebook account ni Mommy Raquel.