Nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Martes ng gabi ang milyun-milyong jackpot prizes ng UltraLotto 6/58, SuperLotto 6/49, at Lotto 6/42.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na umabot na sa P49.5 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang papremyo naman ng Superlotto 6/49 ay nasa P15.8milyon habang P36 milyon naman ang maaaring mapanalunan sa Lotto 6/42.

Kaugnay nito, patuloy na inaanyayahan ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na PCSO outlets sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang paboritong PCSO games, partikular na ng lotto.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa lotto dahil hindi man palaring maging manalo ay tiyak namang makakatulong ka sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Ang SuperLotto 6/49 naman ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.