Hindi kagaya ng ilang celebrities at online personalities, mas pinili ni Kapamilya star Kathryn Bernardo na simplehan lang ang kaniyang 27th birthday celebration noong Marso 26.

Kasama ang kaniyang mga kapamilya at siyempre ang boyfriend na si Daniel Padilla, masayang-masaya si Kathryn sa low-key celebration ng kaniyang kaarawan na talagang request niya.

"I requested for a low-key birthday celebration this year (thank you for listening @bernardomin 😋) . No birthday shoots, no big party, no reason to get glammed up—just me and the people that mean the world to me. Couldn’t have asked for a better way to welcome my 27th. My heart is so full," anang Kathryn.

Kathryn Bernardo, may nakalinyang tatlong pelikula

"And to everyone who made time to greet me on my special day, I am overwhelmed by all your love. Thank you. 🥺 Sending my warmest hug to each and everyone of you!" pasasalamat pa ng aktres sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati sa kaniya.

Samantala, maituturing na birthday gifts kay Kathryn ang tatlong pelikulang nakalinya para sa kaniya, sa ilalim ng Star Cinema at Black Sheep Productions.