Ibinahagi ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats na nawalan siya ng mamahaling cellphone sa Philippine Arena noong Linggo, Marso 26, nang manood ng "Born Pink" concert ng sikat na Korean Pop all-girl group na "Blackpink."

Ayon sa Instagram story ni Camille, sinubukan nilang gamitin ang tracking feature ng phone upang maibalik ito. Nagtungo pa sila sa police station upang ireport ang pagkawala nito.

"We can still locate where the phone is… Wento to the nearest police station where my phone was tracked…" update ni Camille kalakip ang mga litrato habang sila ay nasa sasakyan at nasa himpilan ng pulisya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Screengrab mula sa IG ni Camille Prats

Sa latest update ni Camille, mukhang nagtagumpay sila sa pag-track dahil maibabalik na sa kaniya ang iPhone.

"God is so so good! Found my phone. What a day, Kwento soon…" saad ni Camille.

"Thank you Lord. Akala ko imposible na. This is all You."

Screengrab mula sa IG ni Camille Prats

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng "kuwento" niya si Camille kung paano naibalik sa kaniya ang phone.