Walang kiyemeng ibinalandra ng character actress na si Cai Cortez ang kaniyang voluptuous body habang nakasuot ng swimsuit sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Ready na si Cai sa beach season, at nasabi niyang dumating siya sa punto ng buhay niya na wala siyang pakialam sa sasabihin at iisipin ng ibang tao tungkol sa kaniya.

Sa Pilipinas kasi, mas pabor ang mga tao sa mga babaeng nagsusuot ng bathing suit na may balingkinitan o payat na katawan.

Wafakels na si Cai sa anumang sasabihin at iisipin ng mga tao sa kaniya dahil ang mas mahalaga raw, mabuti siyang tao at ina siya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"A day at the beach ☀️ 🏝️ There comes a time in your life when you don't care. You dont care what other people will say. You don't care what other people will think. Ang importante, alam ko sa sarili ko mabuti akong tao, mabait ako sa kapwa, mabuti akong ina, oks na ko," anang Cai na anak ng aktor na si Rez Cortez.

Marami naman ang pumuri sa taglay na ganda ni Cai, mapa-celebrity o netizens man.