Walang sinuwerte ng jackpot para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Marso 27.

Ang lucky numbers para sa Grand Lotto ay 36 - 38 - 47 - 43 - 28 - 15 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P30,381,854.60.

Gayunpaman, isang bettor ang nanalo ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000, at 255 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, ang masuwerteng kumbinasyon para sa Mega Lotto ay 11 - 07 - 09 - 40 - 43 - 13 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P42,247,790.20

Sinabi ng PCSO na 38 bettors ang nakakuha ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,738 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato