Hindi na nakapagpigil ang content creator at negosyanteng si Viy Cortez sa netizeng bumatikos kung bakit hindi pa rin nakakapaglakad ang anak nitong si Zeus Emmanuel o baby “Kidlat.”

"Big boy na pero hindi pa nakakalakad. Sinanay kasi sa buhat nung nanay," komento ng isang netizen.

Larawan: Viy Cortez/FB

Eleksyon

Jimmy Bondoc, isang kaibigan, loyal kay ex-Pres. Duterte

Pinalagan naman ito ni Viy at sinabing, "Ikaw nga tanda mo na bobo ka pa."

Payo ng content creator sa netizens, bawat bata ay may kaniya-kaniyang talino at galing kaya dapat nang tigilan ang pagkukumpara.

"Baka ihambalos ko sayo andador ni kidlat." kwelang komento pa ni Viy.

Hulyo nakaraang taon nang ipinanganak si Zeus Emmanuel “Kidlat” Cortez-Velasquez kaya naman payo ng Team Payaman na kalmahan lamang dahil walong buwan pa lamang ang gulang ng bata.

Maging ang netizens ay hindi rin nakapag-pigil sa atake kay Kidlat:

"8 months palang siguro si dominic nagbabasketball na at sumasali sa liga."

"The design is very bobo"

"Dominic, ang aga naman ata dumapo ng El Niño sa brain mo?"

"Dominic, baka vertigo ‘yan. Kalurx!!!"

"eto nanaman tayo sa mga taong kulang sa pagmamahal"