Dahil itinuturing ni Vince Flores si Tyronia, ang anak ng kaniyang jowang si Toni Fowler, bilang isang tunay na anak ay handa raw niyang gawin ang lahat para rito. 

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Marso 26, binati ni Vince si Tyronia para sa 11th birthday nito. 

"Before this day ends Anak Tyronia Fowler. I want to greet you a Happy Happy Birthday you deserve everything in life Anak. Masaya ako na kayo ang kasama ko ni Mameh Toni Fowler at ng buong ToRo Family sa isa sa mga pangarap kong puntahan na bansa (Singapore)," saad ng social media personality.

Pangako niya sa kaniyang 'anak' ay makakasama niya lagi nito sa future travels nito. Ayaw rin daw niyang mawala sa bawat moment ng buhay ni Tyronia.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Pangako ko sayo anak na kasama mo si Dadeh sa mga susunod mo pang travels all around the world at ayaw ko na ring mawala anak sa bawat moment ng buhay mo big man or small," ani Vince.

"Dadeh is always here for you anak and I will do anything and everything for you I love you so much Anak. Hanggang Dulo," dagdag pa niya.

Samantala, bumati rin si Toni Fowler sa kaniyang anak.

"Ang bilis ng panahon anak.. 11 yrs old ka na agad. Kung pwede lang pahintuin ang oras para palagi kang babygirl," aniya sa isang Facebook post.

Wish lang ni Toni sa anak ay hindi raw ito lumaki kagaya niya.

"Lumaki ka sanang di katulad ko. HAPPY BIRTHDAY ANAK KONG MAGANDA."