Isa sa mga sikat na social media personality at vlogger ngayon ang socialite na si Small Laude, na kapatid naman ng tinaguriang "Woman of Steel" na si Alice Eduardo, na may-ari ng award-winning construction company na "Sta. Elena Construction and Development Corporation."

Kamakailan lamang ay sumalang din siya sa "Lie Detector Test" ni Kapuso star Bea Alonzo at ilan sa mga nabuking sa kaniya ng aktres, hindi na siya tumitingin sa price tag ng mga pinamimili niya kapag nagsha-shopping siya.

Means to say, ganoon kayaman ang lola n'yo! Eh bago pa naman talaga maging vlogger si Small, galing na sila sa mayamang pamilya. Well-off din naman kasi ang mister niyang si Philip Laude na isang negosyante.

Natanong din ni Bea na dumating na ba siya sa puntong nagsisi siya dahil hindi niya tiningnan muna ang price tag o presyo ng pinamiling gamit.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hindi pa naman daw, sey ni Small.

Kaya sabay-sabay na napasabi ang mga netizen na "Ikaw na talaga! Sana all!"

Maging si Bea, napa-self-check kung talaga bang mayaman na siya, kasi hindi niya pa magawang mag-shopping na hindi muna titingnan ang presyo nito.

&t=607s