Patay ang isang lalaking pasyente matapos umano na magpakamatay Ospital ng Tondo, sa Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si "Jess," 58, residente ng Tondo.

Batay sa ulat ni PSMS Jason Ibasco, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling araw sa nasabing pagamutan, na matatagpuan sa Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.

Sa salaysay umano ng stepson ng biktima na si Roel, lumilitaw na bago ang umano'y suicide ay nakahiga ang biktima sa hospital bed.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Maya-maya ay nagulat na lang umano sila nang bigla itong tumayo at nagpakamatay.

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na si Lyn, na una na ring nagtangkang magpakamatay ngunit napigilan lamang umano nila ito.

Hindi naman kaagad tinukoy ng mga otoridad ang karamdaman ng biktima at kung bakit winakasan nito ang sariling buhay.