Kinaantigan ng netizens ang post ng may-ari ng mamihan na si Brydon Greenhand, 28, mula sa Valenzuela City, matapos niyang bigyan ng libreng mami ang isa niyang customer na umorder lamang ng kanin at sabaw dahil sa wala umano itong pambayad sa ulam.

“[D]adaloy din ang ginhawa saten tay,” saad sa caption ng post ni Greenland.

Kuwento pa niya, pauwi umano ang nasabing customer sa Cavite galing sa kanilang agency. Ngunit wala pa umano itong sahod kaya’t tinanong daw siya kung pwedeng sabaw at kanin na lang. Wala na rin umano itong pamasahe pauwi.

“Naawa po, sa totoo po di lang sya yung dumaan samin na binigyan namen ng free food, madami na po pero sya lang po ang naisipan naming ipost,” saad ni Greenhand sa panayam ng Balita.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Nagpapasalamat naman siya sa netizens na naka-appreciate sa kaniyang post at sinabing nawa’y na-inspire umano silang gumawa rin ng kabutihan sa iba.

“Sana po lahat tayo ay makatulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan, kahit di man po tayo sagana sa pera o materyal na bagay yung mga simpleng bagay na meron tayo ay pangarap lang po sa iba.

“Be grateful for all the blessings na dumadating po at wag kalimutan ang mag dasal,” dagdag niya.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 3,000 reactions at 577 shares ang nasabing post ni Greenhand.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!