Usap-usapan ngayon ang kakaibang estilo ng marketing strategy ng isang online seller sa kaniyang lalaking customer dahil sa pagbabanta nitong kapag hindi bumili ng paninda, may ibubunyag ito sa kaniyang misis.
"Sorry po gipit lang," saad sa caption ng netizen na si "Tracy Moore" kung saan ipinakita niya ang convo thread nila ng customer, na binebentahan niya ng dynamite lumpia.
Mababasa mensahe ni Tracy na "Hello order ka po dynamite hehehe bago ko ichat asawa mo na may babae ka. 120 lang po!"
Tila agad na umorder ang kaniyang customer, na ayon sa panayam ay kaibigan naman niya.
"Sige 5 balot deliver mo na agad para mapayapa, ano pang tinda mo dyan?"
Ayon pa sa panayam kay Tracy mukhang mabisa naman ang ganitong klaseng "hard-selling" pero nilinaw niyang katuwaan lamang ito.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!