Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang litrato nila ng anak na si "Baby Bean" sa kaniyang Instagram post kung saan makikita ang kasalukuyan niyang katawan matapos ang panganganak.

"Linggo," caption ni Angge sa IG post.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pinasalamatan pa ni Angge ang kaibigan at ninang ni Amila na si Kapuso star Glaiza De Castro para sa regalo nitong pang-swimming attire sa inaanak.

Ayon sa isang ulat, may mga netizen daw ang nagsabing dapat ay magpa-sexy ulit ang aktres at huwag hayaan ang sariling "malosyang."

"Pasexy ka angge wag magpakalosyang," sey ng isa.

"Straight body pa rin…" anang isa pa.

Rumesbak naman ang fans ni Angge para sa kaniya.

"Wow! The toxic Filipino ugali. 2023 na… bagong buhay na. Her post is about happiness of motherhood and being real, which is so beautiful."

"Angge, sooo real, so normal…. Hindi siya nagtatago ng normal her. Ke mataba or breastfeeding siya. Oking okey siya…very transparent.. And she is happy."

"Sa tuwing nag post ka ms. Angge at makita ko si baby mo sobrang saya sa puso ko sana makita ko baby mo in person."

"Ahlabit specially those tummy im so proud of u you are such a real person walang kaarte arte."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Angge tungkol dito.