Nagulat ang Kapamilya fans nang mamataan ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa GMA Network building, partikular sa set ng patok na game show nitong "Family Feud Philippines" hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Lilipat na ba si Gerald?

Walang dapat ipag-alala ang mga Kapamilya dahil guest lamang dito si Gerald para sa promotion ng unang pagtatambal nila sa pelikula ni Kapuso actress Kylie Padilla, na may pamagat na "Unravel: A Swiss Side Love Story," na isa sa mga pelikulang kalahok sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival sa paparating na Abril.

Mapapanood sa TikTok account ng Family Feud ang taping ni Gerald, na makakatapat naman ang team ni Kylie. Ito ang unang beses na nakatapak sa balwarte ng GMA si Gerald.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"First time ko rito sa 'Family Feud.' First time ko pa dito sa GMA studios. It's very exciting," anang Gerald.

"Ang bait po ng mga staff. We're just excited to play," aniya pa.

Intriga naman ng mga netizen, nakasalubong daw ba ni Gerald si Kapuso star Bea Alonzo sa hallway ng GMA building? Char!