Pinaiyak, kinakiligan at aprub sa fans ang brand new music video ng latest version ng “The Way You Look At Me” tampok ang hottest Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco.

Matatandaang unang napakinggan ang bagong tunog ng OPM hit ni Christian Bautista sa pop-folk band na Ben&Ben noong Enero sa ilalim ng Universal Records.

Matapos ang halos dalawang buwan ay nasilayan nga sa wakas ang music video nito. Nitong Sabado, Marso 25, sabay-sabay na inabangan ng fans ang appearance ni Barbie at David sa MV.

Pinuri rin nila ang tila pang-short film na concept ng MV kung saan ibinunyag sa dulo na ang donor ng bagong mata ni Barbie ay dating kasintahan pala ni David, kasabay ng bago at malalim na konteksto ng kanta.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Pawang positive reviews naman ang mababasa sa comment section ng MV sa YouTube.

“Barbie's acting is undeniably good but DAVID'S ACTING HERE, ya'll !!! 🤧The eyes, the tears, the feels = the overall emotion !!!! 🙌ANG GALING!!! ANG GONDO!!! The song, the lyrics, the band, the voice, the story, the MV = everything ✨👏” komento ng isang fan.

“Never thought na kikiligin ako malala sa isang PH love team! Sa KDrama man lang ako kinikilig ng subra before! Huhuhuhuhu finally, meron na love team na super bagay na bagay hindi cringey kung mpasigaw sigaw ako kasi naman ang lakas ng chemistry talaga nila! <3 Love you, Barda! More projects together!” segunda ng isa pa.

“Thank you for choosing barbie and david. They're both mahusay sa eye acting kaya sobrang effective nila sa MV na to plus tge chemistry talaga nandun ung spark. And ang natural ng actung huhuhu. Kudos sa producer, ky jham, sobrang rhank you. Ibang iba sila sa FiLay, prang this is Barbie and David irl not the Barbie David sa MV.”

“Sa totoo lang ang hirap i-cover tong song na to lalo na at minarkahan na to ni Christian Bautista as HIS POPULAR HIT! Pero may magic din talaga ang Ben&Ben and napakagenius ng idea na singitan ng matinding story line ang MV tapos ilagay pa ang BarDa! THAT IS HOW YOU PROMOTE A SONG! Pinaghandaan nang bongga!”

“Everything about this mv– the story, the twist, the acting & delivery, the aesthetics, and of course barbie & david's overflowing chemistry. the amount of different emotions i felt in the span of seven minutes is insane. truly did not disappoint!”

“Ngayon lang po ako sinipag mag stream ng mv. As a kpoper, sanay na pero tinatamad talaga ako pag may streaming sa fandom pero dito, tinodo ko na! Barbie and David's chemistry is something we can't deny, it's too powerful! As always, Ben & Ben never disappoints. Kudos!!!”

“Congrats Barbie and David ❤️ Overflowing love from all the fans na nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa inyong dalawa. We love you from the bottom of our hearts. Sobrang bagay talaga kayong dalawa! As in sobra! Looking forward to more projects ninyong dalawa. Walang sawa kaming patuloy na magsusuporta. BarDa/FiLay fans ❤❤❤️”

“This could be a good plot for a teleserye with Barbie and David on the leads. With their chemistry and acting calibre, they will surely nail this kind of genre. Yung dramatic at may pag ka Kdrama vibes. ❤

“Ganda ng kanta, ganda ng mv, grabe chemistry nila david and barbie, congratulations!”

Sa pag-uulat, nasa mahigit 366,000 views na ang inani ng MV at kasalukuyang number 7 trending sa YouTube.