Trending hindi lamang ang sikat na Korean-pop all girl group na "Blackpink" dahil sa kaniyang concert sa Philippine Arena nitong Linggo, Marso 26, kundi dahil na rin sa "promposal" ni Kapamilya actress Andrea Brillantes sa kaniyang boyfriend na si Ricci Rivero.
Marami ang kinilig at natuwa sa celebrity couple subalit marami rin ang nainis at nang-okray dahil "papansin" at "clout chaser" daw siya. Bagay na pinalagan naman ng mismong ate ni Blythe na si Kayla Aan Gorostiza.
Isang netizen naman na sumita kay Andrea ang pinalagan mismo ng aktres. Makikitang nagkomento ito sa isa sa mga balita patungkol sa nangyari.
"Baliktad na pala ngayon panahon. Babae na nagyaya," anang basher.
Nagkomento naman dito si Andrea.
"It's for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic," paliwanag ng aktres.
It's about time na rin umano na ihinto na ang shaming sa mga babae na gumagawa ng first move sa lahat ng bagay, gaya nga ng proposal.
"Also, it's high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances."
Ibinahagi rin ito sa patok na Facebook page na "Senyora."