Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na umaabot pa sa 1,298 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala sa bansa mula Marso 20 hanggang 26, 2023.

Sa National Covid-19 Case Bulletin ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 185.

Mas mataas anila ito ng 11% porsiyento kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Marso 13 hanggang 19.

Sa kabuuang kaso, 10 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

May naitala ring 60 na binawian ng buhay sa karamdaman, gayunma, wala sa mga ito ang naganap noong Marso 13 hanggang 26.

“Noong ika-26 ng Marso 2023, mayroong 307 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa Covid-19,” lahad pa ng DOH.