Limpak-limpak na papremyo na naman ng lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang naghihintay na mapanalunan ngayong Lunes ng gabi.

Batay sa inilabas na jackpot estimates na inilabas ng PCSO, nabatid na inaasahang papalo na sa mahigit₱42 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa isasagawang lotto draw ganap na alas-9:00 ng gabi ngayong Marso 27.

Habang ang jackpot prize naman ng GrandLotto 6/55 ay nananatili pa rin sa₱29.7 milyon.

Kaugnay nito, hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at magbakasakaling sila na ang susunod na magiging instant milyonaryo sa lotto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Di mo naman alam ang kapalaran mo, Parang #PCSOLottoGames, baka biglain ka na lang nito,” ayon pa sa PCSO.

Una nang sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa PCSO games, gaya ng lotto, dahil sa halagang P20 lang ay may pagkakataon nang maging milyonaryo, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang GrandLotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 naman ay may draw tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.