Nagluluksa ang tinaguriang "Split Queen" na si Mystica sa pagpanaw ng kaniyang nag-iisang anak na lalaking si Stanley "Stan" Villanueva.

Ayon sa ulat, namatay ang anak ni Mystica dahil sa paglaki ng puso, pneumonia, at liver cirrhosis.

"To all of my friends, fans, relatives and followers: My son just died of cardiomyopathy, liver cirrhosis and pneumonia," aniya sa isang Facebook post.

Noong Oktubre 2022 ay nagluluksa pa ang anak sa pagkamatay ng apo niyang si Ronby Gangriel Villanueva, kaya hindi makapaniwala si Mystica na agad na susunod ang anak sa agos kung saan naroon na rin ang kaniyang apo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sunod-sunod ang Facebook posts ni Mystica bilang alaala at tribute sa kaniyang namayapang anak, lalo't wala siya ngayon sa Pilipinas kundi nasa Las Vegas, USA upang magtrabaho bilang entertainer.

"SINABI MO HINDI MO RIN AKO IIWAN PERO SUMUNOD KA RIN PALA AGAD SA APO KONG SI GANGREL!" malungkot na sabi ni Mystica sa isa sa mga post niya.

May fundraising event na inilunsad para sa anak ni Mystica na may free dinner, live band at open mic sa Marso 29 sa Amerika upang makatulong sa mga gastusin sa pagkakaroon ng maayos na libing para sa anak.

"THANK YOU TO MY FAMILY! I AM SO GRATEFUL BECAUSE WE ARE STILL UNITED AND STILL THERE FOR EACH OTHER KAHIT ISA-ISA NA’NG NAWAWALA SA ATIN!" pagpapasalamat ni Mystica sa kaniyang mga kaanak na nasa burol ni Stanley.

Pakikiramay Mystica at sa buong pamilya.