Nagngitngit sa galit ang social media personality at partner ni Whamos Cruz na si Antonette Gail Del Rosario matapos makita ang isang edited photo ng anak na si Baby Meteor, na ginawa itong unggoy.

Ibinahagi ni Antonette Gail ang screengrab ng usapan nila ng basher na gumawa nito sa kaniyang anak. Ipinatong kasi ang ulo ni Baby Meteor sa katawan ng isang unggoy.

Hindi naman ito pinalagpas ni Antonette Gail, at bilang isang ina, masakit sa pakiramdam na nilalait at binabastos ang isang walang kamalay-malay na sanggol.

"Wala kang karapatang babuyin yung picture ng bata. Walang kinalaman yung bata para ganyanin mo at higit sa lahat, WALA KANG KARAPATAN DAHIL HINDI MO ANAK YAN!! GRABE NAKAKANGINIG KA NG DUGO," galit na sabi ni Antonette Gail sa basher.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Walang kamalay-malay yung bata para pagtripan n'yo. Kagaya ng sinabi ko di baling kami yung ganyanin ninyo wag lang yung anak ko!!! Sabagay kahit hindi naman kita patulan karma na yung bahala sa'yo."

Sa caption, nagbanta si Antonette Gail na kakasuhan at ipakukulong niya ang sinumang mambabastos sa panganay nila ni Whamos.

"MAKAKITA PA TALAGA KO NG GANITO PAPARANAS KO SA INYO MAGHIMAS-REHAS!!! Grabe kayo walang kinalaman yung bata kung ano ano pinag gagawa niyo!!!! Sinasabi ko sa inyo na di baleng ako na lang anuhin n'yo wag lang yung anak ko!!!!!," aniya.

Sa update pa ni Antonette Gail, ayaw pa raw tumigil ng basher at marami itong dummy accounts.

"Ayaw niya pa rin tumigil ang dami niyang dummy accounts tignan natin," banta ng partner ni Whamos.