Mas lalong humanga ang fans ni Kapamilya actress Andrea Brillantes sa kaniya matapos niyang i-flex ang pagselfie sa kaniya ng isang manong guard.

Ibinahagi ni Blythe sa kaniyang Instagram story ang pagpapa-selfie sa kaniya ng isang sekyu, na hindi naman niya tinanggihan.

Makikita sa video clip na may ibang pinagbigyang netizen ang aktres subalit nilapitan siya ng sekyu para magpa-picture. Sa halip na hindi pansinin at ipagtabuyan ay pinagbigyan ito ni Andrea.

Matatandaang nagiging isyu kamakailan ang celebrities o online personalities na nang-iisnab ng kanilang mga tagahanga at hindi pumapayag sa selfie.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20