Usap-usapan ngayon ang "jowa reveal" ng aktres na si Yassi Pressman sa kaniyang Instagram post noong Marso 21, kung saan makikitang magkasama sila sa isang boat ng boyfriend na si Jon Semira na isang entrepreneur.

Inakala pa nga ng mga netizen na "pregnancy announcement" ang litrato ng dalawa, dahil nakahawak ang kaliwang kamay ni Jon sa tiyan ni Yassi.

"The design is very preggy announcement," sey ng isang netizen.

"Same comment," segunda naman ng isa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"U preggy?" pahayag ng isa.

"Why? Malaki balakang niya," sundot pa ng isa.

Isang netizen naman ang nag-akusa kay Yassi na biglang may jowa reveal ang aktres na nakakaladkad ang pangalan kina Coco Martin at Julia Montes, na matagal nang "rumored couple."

"Hahahhahaha di na kinaya magpanggap na okay lang sya sa issue at wapakels biglang jowa reveal," sita ng isang netizen.

Kinambyuhan siya ng mga kapwa netizen at pinagsabihang huli na siya sa balita dahil matagal nang may jowa reveal si Yassi, hindi pa man pumuputok ang mga isyung kinasasangkutan niya ngayon, gayundin ng kapatid na si Issa Pressman na nauugnay kay James Reid.

Nagpa-jowa reveal si Yassi kay Jon noon pang Hulyo 21, 2022 na napaulat na rin dito sa Balita.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/07/23/boyfriend-reveal-yassi-pressman-may-pa-birthday-message-kay-jon-semira/">https://balita.net.ph/2022/07/23/boyfriend-reveal-yassi-pressman-may-pa-birthday-message-kay-jon-semira/