Humanga ang mga netizen sa "hair art" ng isang hair stylist na si "Neshell Yaun Dacalos" matapos niyang gawing disenyo ang mukha ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa hair cut ng isang parukyano.

Ayon sa hair stylist, tribute niya ito sa It's Showtime host para sa kaarawan nito. Pareho kasi sila ng birth month.

"Hello Vice Ganda magandang tanghali po sa inyo. Gumawa ako ng hair portrait para sa inyo as birthday gift kasi malapit na birthday natin," anang hair stylist.

"March 31 ang sa inyo, araw ng Biyernes. At sa akin naman ay ngayong Linggo na, March 26. Hehe kahit pang spaghetti lang galing sa inyo ay masaya na ako," dagdag pa niya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Wala pang update kung nakarating na sa kaalaman ni Vice Ganda ang naturang birthday gift ng obviously ay isang faney.